Magiging barometro ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dami na ng mga nabakunahang Pilipino sa gagawin nitong pagpapasya kung dapat na bang ibalik o hindi pa ang face-to-face classes.
Ito ang tugon ng Malacañang sa isinusulong ni National Economic Development Authority (NEDA) Chief Karl Chua na pagbabalik ng in-person classes.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na matagal nang nagrekomenda si Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones na magkaroon ng pilot face-to-face sa mga lugar na mababa ang kaso ng virus ngunit ang desisyon ng Presidente, hintayin muna na mabakunahan ang marami.
Pero ngayong marami-rami na rin naman aniya ang nababakunahan ani Roque ay pwede nang sabihing tinitingnan lang ng Presidente kung mayroon nang sapat na kumpiyansa para magsimula ang pilot testing ng face-to-face classes.