Desisyon ng Pangulo sa susunod na Chief of Staff, welcome sa AFP 

Welcome sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang napaulat na pagkakapili ng Pangulong Duterte kay Central Command Commander Lt. Gen. Noel Clement para maging ika-52 na AFP Chief of Staff.

Sa isang statement, sinabi ni AFP Spokesperson Bgen Edgard Arevalo na si Lt. Gen. Clement ay may malawak na karanasan na naangkop sa maayos na pagtugon sa mga hamong kinakaharap ng AFP.

Kabilang sa mga hamong ito ang pagwawakas ngocal communist insurgency, ang pagsupil sa terorismo sa Mindanao, at ang maayos na implementasyon ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ayon kay Arevalo, si Lt. Gen. Clement ay isang respetado at bihasang commander na may kahanga-hangang “track record” sa iba’t ibang posisyong hinawakan nito sa Luzon, Visayas at Minadanao.

Dagdag ni Arevalo na si Lt. Gen. Clement, na miyembro ng PMA “Sandiwa” Class of 1985 ay kilala ng kanyang mga nakatataas, kasamahan at tauhan bilang isang “team player” na tahimik at propesyonal na magtrabaho.

Ang turnover ceremony para sa bagong AFP Chief ay isasagawa sa ika-24 ng Setyembre, sa pagreretiro sa serbisyo ni AFP Chief General  Benjamin Madrigal.