Desisyon ng Makati RTC Branch 148, paborable sa pamahalaan — Palasyo

Kaiba sa naging pagbubunyi ni Sen. Antonio Trillanes kaugnay ng naging desisyon ng Makati RTC Branch 143, sinabi ngayon ng Malacañang na gobyerno ang tunay na nagwagi sa nasabing court decision.

Ito ay sa kabila ng walang arrest warrant o hold departure order na inisyu ang hukuman ngunit sa kabilang banda’y pinagtibay naman ang validity ng Proclamation 572 na nagpawalang bisa sa amnestiya ng mambabatas.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, naniniwala silang mali ang argumento na walang hurisdiksyon ang RTC sa kaso ni Trillanes dahil magpiprisinta pa nga ito ng ebidensya at nagpa-argumento pa sa loob ng hukuman.

Dagdag nito na bagamat inihayag ng Korte na nag-apply ang senador ng amnestiya, kulang pa rin daw ang requirement ni Trillanes gaya ng kumpletong salaysay ng kanyang partisipasyon sa krimen na kudeta.

Idudulog aniya ito sa Court of Appeals ni Solicitor General Jose Calida, upang sa gayon ay  mabaliktad ang desisyon ng Makati RTC sa hiling na warrant.

Ayon kay Sec.  Panelo, Court of Appeals muna aapela ang solicitor general at hindi muna dideretso ng Korte Suprema kahit may nakabinbin ding petisyon doon.  | ulat ni Alvin Baltazar