Desisyon ng Korte sa kaso ni Senador Trillanes, ginagalang ng PNP

Iginagalang ng Philippine National Police (PNP) ang anumang desisyon ng Korte.

Ito ang inihayag ni PNP Spokesperson CSupt. Benigno Durana, sa isang statement matapos ilabas ng Makati RTC Branch 148 ang desisyon nito sa petisyon ng Department of Justice (DOJ) laban kay Sen. Antonio Trillanes.

Dito’y ibinasura ng Korte ang mosyon ng DOJ para sa Hold Departure Order at Warrant of Arrest laban sa senador para sa non-bailable offense na coup de etat.

Ayon kay Durana, bilang law enforcement agency, mandato nila na sumunod sa anumang ipinag-utos ng Korte.

Magugunitang una nang inihayag ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde, na kung sakaling ipag-utos ng Korte ang pag-aresto sa senador, ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang magpapatupad nito.  | ulat ni Leo Sarne