Deputy Speaker Vilma Santos-Recto, walang balak na tumakbo sa mas mataas na pwesto sa 2022

Walang balak si Deputy Speaker Vilma Santos-Recto na tumakbo sa mas mataas na pwesto sa 2022.

Ito ang tugon ng Batangas representstive matapos mapabilang sa listahan ng 1Sambayan para sa posibleng presidential at vice presidential candidate sa 2022.

Nagpasalamat ang mambabatas sa konsiderasyon ng grupo ngunit, nakatuon aniya sya ngayon sa pagtulong sa bayan ng Lipa sa kanilang vaccination program.

Bukod dito, mayroon pa aniya syang legislative duties na kailangan tutukan.

Bukod kay Santos-Recto, kasama sa inilabas na listahan ng 1Sambayan sina VP Leni Robredo, dating Senador Antonio Trillanes IV, Atty. Chel Diokno, Deputy Speaker Bro. Eddie Villanueva at Sen. Grace Poe na tumanggi na rin sa nominasyon.