Deputy Speaker Rodriguez, di pabor na alisin ang bar exams

Hindi sang-ayon si Deputy Speaker at Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez sa suhestyon ni Labor Secretary Silvestre Bello III na alisin na ang licensure exams sa ilang propesyon tulad ng abogasya.

Ayon kay Rodriguez na naging dean ng College of Law sa San Sebastian, kailangan dumaan sa mahigpit na selection process ang mga nais mag-abogado.

Ang law profession kasi aniya ay umiikot sa pagtitiyak na nasusunod ang rule of law maging ang pagbibigay ng hustisya.

Sa pamamagitan ng pagsalang sa bar exams, matitiyak na ang mga gustong maging abogado ay competent, dedicated, at gagampanan ang kanyang tungkulin ng may integridad.

“The law profession being indispensable to the rule of law and in administering justice requires a strict selection of those who wish to practice it. This is to assure the Filipino people that those who become lawyers are competent and dedicated and performs his profession with utmost integrity and responsibility,” paliwanag ni Rodriguez.