DepEd, magpiprisinta ng ilang option sa Pangulo para sa opening ng SY 2021-2022

Magpipresinta ang Department of Education (DepEd) kay Pangulong Rodrigo Duterte ng ilang option, para sa nalalapit na pagbubukas ng school year 2021-2022.

Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni Education Secretary Leonor Briones, na posibleng mangyari ang school opening sa buwan ng August, alinsunod sa napapaloob sa batas.

Kabilang rin sa lalamanin ng kanilang proposal ang pagbubukas ng klase sa una o ikalawang linggo ng September.

Ayon kay Secretary Briones, subject pa rin ito sa pag apruba ni Pangulong Duterte.

Kaugnay naman sa pagbabalik ng face to face classes, na kay Pangulong Duterte pa rin aniya ang desisyon kung kailan ito papayagan.

Matatandaan na ilang ulit na ring sinabi ng Palasyo, na hanggang hindi pa nababakunahan ang mayorya ng mga Pilipino wala munang magaganap na face to face classes para sa mga kabataan.