Department of Agriculture, maglalabas ng pondo para tulungan ang mga magsasaka sa Albay – Sec. Manny Piñol

Bawat magsasaka ay makakautang ng mula P5,000 hanggang P25,000 piso na walang hihingiing documentary requirements bukod tanging ID lamang na inisyu ng DA.

Abot na sa bilang na 9,791 magsasaka sa 10 munisipalidad sa lalawigan ng Albay ang apektado ng pagputok ng bulkang Mayon.

Kaugnay nito, nangako ang Department of Agriculture na magpapalabas ng karagdagang P50 Milyon para ipautang sa mga magsasaka sa ilalim ng Production Loan Easy Access o PLEA Program.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol ang loan window ay ipapatupad ng DA sa tulong ng Agricultural Credit Policy Council na siyang magpapautang sa mga magsasaka nang walang interes at collateral at babayaran sa loob ng 3 taon.

Bawat magsasaka ay makakautang ng mula P5,000 hanggang P25,000 piso na walang hihingiing documentary requirements bukod tanging ID lamang na inisyu ng DA.

Ang pera ay ipapadala sa pamamagitan ng mga conduit banks o mga kooperatiba na dapat makakuha ng 6% na interes kada taon.

Bukod dito, inanunsyo din ng DA na magbibigay pa ito ng credit assistance sa mga magsasaka na naapektuhan ng bagyo at kalamidad sa ilalim ng Survival and Recovery Program. | via Rey Ferrer

#RadyoPilipinas738