Dep. Speaker Romero, hiniling sa ehekutibo na paagahin ang pag-susumite ng Nat’l Expenditure Program

Aminado si Deputy Speaker at 1-Pacman Partylist Representative Mikee Romero na kulang ang apat na buwan para mabusising mabuti ng Kongreso ang proposed budget ng pamahalaan.

Suhestiyon ng mambabatas dapat ay Hunyo o Hulyo pa lang ay maipasa na ng DBCC ang National Expenditure Program.

Sa ganitong paraan mas mahihimay ng Mababa at Mataas na Kapulungan ang panukalang Pambansang Pondo at kung sakaling mayroon mang dapat baguhin at hindi ito aabot sa pagkaka-antala.

Para sa proposed 2020 National Budget, apat na magkakasabay na hearing ang isinagawa ng Kamara sa loob ng dalawang linggo.

Sa plenary debates naman na kasalukuyang gumugulong, apat na major agencies din ang isinasalang kada araw, upang matiyak na maipapasa ang General Appropriations Bill sa ikatlo at huling pagbasa bago ang break ng sesyon sa Oktubre 4.