DENR, suportado ang panawagan para sa bicycle law

Suportado ng Department of Environment and Natural Resources ang panawagan na itaguyod ang bicycle riding sa bansa na maging ligtas habang nasa daan.

Ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu ang paggamit ng bisekleta ay hindi lamang nakakabuti sa kalusugan kundi pati na sa kapaligiran.

Aniya ang mungkahing paggamit ng bisekleta ay dapat suportahan na naging alternative mode na ng transportation na naging mabisa at walang usok.

Ipinupunto naman ni DENR Undersecretary Benny Antiporda na habang hindi pa nakapagpasa ng batas ang kongreso kaugnay sa safety ng pagbibisikleta, dapat magpasa muna ng ordinansa ang mga LGUs na nagtatalaga ng mga bicycle lanes sa kanilang hurisdiksyon.