DENR Sec. Cimatu, Greenpeace Southeast Asia, nagpaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ni Gina Lopez

Nagpaabot na ng pakikiramay, gayundin ng panghihinayang si Environment Secretary Roy Cimatu at Greenpeace Southeast Asia sa pagpanaw ni former DENR Secretary Gina Lopez.

Ayon kay Cimatu, “pure champion of the environment” si Lopez, dahil wala siyang takot, kahit ano pa ang kahantungan ng mga ipinaglalabang adbokasiya.

May puso rin sa mga kapuspalad at taumbayan, katunayan nito ay ang ginawang pagtataguyod sa ecotourism upang pakinabangan ng mas nakararami.

Ipinamalas rin aniya ng dating kalihim ang katapangan at hindi natitinag na desisyon sa pangangalaga sa kalikasan, bukod sa nakapagpatupad pa ng mataas na kalidad ng responsibilidad hinggil sa industriya ng pagmimina.

Isa aniya siyang inspirasyon sa marami at sila naman sa ahensya, ay ipagpapatuloy ang mga naiwan niya aniyang legasiya bilang pagmamahal at respeto sa kanya.

Sinabi naman ni Greenpeace Southeast Asia Executive Director Yeb SaƱo na nawalan ng warrior ang mundo sa pagkawala ni Ms. Gina Lopez.

Para sa non-government organization na Greenpeace, mabuti siyang kakampi sa pagprotekta sa Philippine biodiversity at maaasahang tagapaglaban ng karapatan at tagapagpatupad ng climate justice.

Sinabi pa niyang, sa panahon ng kanyang panunungkulan sa DENR, nagawang itaguyod ang kapakanan ng mamamayan at hindi ang interes ng mga higanteng korporasyon.

Isang taos-pusong pakikiramay ang kanilang ipinahahatid sa mga naulila.