DENR, naipasara na ang lahat ng open dump site

Tuluyan nang naisara ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang lahat ng mga open dump site sa buong bansa. 

Ito ang nilalaman ng ulat ng ahensya matapos ang halos kalahating taon na pagpupursige na tapusin ang walang habas na pagtatapon ng basura. 

Sinabi ni DENR Usec. Benny Antiporda, ginamit na ni Sec. Roy Cimatu ng kamay na bakal ang pagpapatupad ng batas para matiyak na nasa maayos ang pamamaraan ng pagtatapon ng basura. 

Partikular na pinagtuunan ng pansin ng kagawaran ang mahigit isang daang open dump site sa Region 3, NCR at Region 4A. 

Ang mga lugar kasing ito ay nakadugtong sa Manila Bay kung saan ang katas ng itinatapong basura ay umaagos patungong karagatan. 

May mga inihain ding kaso ang ahensya laban sa mga operator ng mga open dump site na hindi na kasunod sa regulasyon