DENR, nagpadala ng isang mission team sa Boracay Island

Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, layon ng mission team na isailalim na sa rehabilitasyon at ibalik ang dating malaparaisong anyo ng Boracay.

Nagpadala na ng isang mission team ang Department of Environment and Natural Resources o DENR sa Boracay Island para tugunan ang kinakaharap na suliraning pangkalikasan sa lugar.

Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, layon ng mission team na isailalim na sa rehabilitasyon at ibalik ang dating malaparaisong anyo ng Boracay.

Hahatin sa anim na rehiyon ang Boracay Island at bawat area ay tututukan ng may 50 personnel ng ahensya.

Binigyan ni President Rodrigo ng anim na buwan na palugit ang DENR para hanapan ng solusyon ang tumitinding problema sa polusyon sa itinuturing na top tourist destination ng bansa.

Nauna ng nag-isyu ang DENR ng notices of violation sa 300 na business establishments na kinakitaan ng paglabag sa kanilang environmental compliance certificates (ECC), kabilang na ang hindi maayos na koneksyon sa sewage treatment plant o hindi paglalagay ng wastewater treatment facilities. | via Rey Ferrer