DENR at DILG, inisyuhan na ng show cause order ang mahigit 900 na establisimiento sa Boracay island na nakitaan ng paglabag

Sa isang press conference sinabi ni Environmental Undersecretary Jonas Leones na sakop nito ang mga resorts at hotels sa forestlands at wetlands.

Under evaluation na umano ang mga ito at kung hindi makakatugon ay mahaharap sa posibleng demolition.

Nilinaw naman ni Leones na sa loob ng anim na buwan lang din ang pagsasara ng mga establisimiento.

Humingi na rin umano sila ng paliwanag at mga kinakailangang dokumento sa mga ‘violator’ kaugnay dito.

Nauna rito, tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte na “cesspool” o imbakan ng dumi ang islang dinarayo ng mga turista mula sa iba’t ibang panig ng mundo. | via Rey Ferrer