Delta variant, mas nakahahawa kumpara sa bagong sulpot na Lambda variant

Mas nakahahawa pa rin ang Delta variant ng COVID-19 kumpara sa Lambda variant.

Ayon kay Dr. Cynthia Solana, Executive Director ng Phil. Genome Center, base sa pag-aaral ng mga siyentipiko sa iba’t ibang panig ng mundo at sa pag-aaral ng mga epidemiologist ng Department of Health (DOH), ang Delta variant ay 60% na mas nakahahawa kumpara sa Lambda variant.

Gayunman, ang Lambda variant ay 60% na nakahahawa kumpara sa unang variant na nakita sa Wuhan, China.

Ang mahalaga aniya ay dapat mapag-aralan ng husto ang mga kaso ng Lambda variant sa bansa, para mapigilan ang pagkalat nito.

Base sa inisyal na impormasyon, ang 35 taong gulang na babae na unang tinamaan ng Lambda variant sa bansa ay naka-recover na, matapos sumailalim sa 10 days isolation period.