Delegasyon ng DND, bumisita sa gawaan ng submarine ng Republic of Korea

Bumisita ang delegasyon ng Department of National Defense (DND) sa gawaan ng submarine ng Republic of Korea (ROK)

Ayon kay Defense Spokesperson Arsenio Andolong, bahagi ito ng pagbisita ni DND Assistant Secretary Jesus Rey R. Avilla ng Office for Logistics, Acquisition and Self-Reliant Defense Posture sa Korea, para pag-usapan ang kooperasyong pang depensa ng Pilipinas at Republic of Korea.

Nakipagpulong si Avilla kay Vice Minister Seo Hyeung Jin ng Defense Acquisition Program Administration (DAPA) ng Korea.

Napag-usapan ng dalawang opisyal, ang posibleng pagbili ng Pilipinas ng mga corvette at submarine na gawa sa Korea.

Tiniyak ng vice minister ang buong suporta ng Republic of Korea, sa pangangailangang pang depensa ng Pilipinas.

Kamakailan lang, nakumpleto ng Korea ang delivery ng dalawang multi-role missile frigates ng Philippine Navy, ang BRP Jose Rizal (FF-150) at, BRP Antonio Luna (FF-151).