Delay sa operasyon ng 48 Dalian trains para sa MRT3, pinaliwanag ng DOTr

Sinagot ng Department of Transportation (DOTr) ¬†ang report ng Commission on Audit (COA) patungkol sa halos isang taong delay ng operasyon ng apatnapu’t walong light rail vehicles para sa MRT-3.

Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, inuna ng management ng MRT-3 ang pagkakaroon ng independent audit sa mga tren.

Base sa pag-aaral na ito ay nakitang mayroong discrepancies sa naideliver na mga tren at sa mga tren na napagkasunduan sa terms of reference.

Sa kabila nito ay maaari pa ring gamitin ang mga Dalian train kung gagawin ang mga adjustment na natukoy sa audit na ginawa ng independent company na TUV Rheinland nang hindi sinasakripisyo ang kaligtasan, seguridad, buhay ng mga pasahero at ang sistema.

Target namang isapinal ang mga tatapusing adjustment sa mga Dalian trains bago ang gagawing high-level government to government meeting sa pagitan ng Pilipinas at China sa August 20.

Sasagutin na rin aniya ng CRRC Dalian ang gagastusin para sa technical adjustments ng apatnapu’t walong bagong bagon. | ulat Nimfa Mae Asuncion