Deadline sa pagpaparehistro ng e-bikes at PUJ sa Navotas, hanggang bukas na lang

Hanggang bukas na lang, May 31 ang deadline ng payment of fees at localized taxes sa pamahalaang lungsod ng Navotas.

Sa inilabas na abiso ng local government unit (LGU) ng Navotas, pinapayuhan ang mga indibidwal na iparehistro ang kanilang e-bikes at kumuha ng Permit to Operate para sa dalawang taong nag-expire na noong Abril 2021.

Kasama din ang regulatory sticker para sa public utility jeepney (PUJ) na nagtatapos ang plate number sa 4.

Una nang nagpasa ng ordinansa ang Sangguniang Panlungsod na nagpapalawig sa deadline ng pagpaparehistro at sa mga bayarin sa buwis.

Ginawa ito upang bigyan ng sapat na panahon ang mga residente na maka rekober sa gitna ng pandemya.