Deadline ng condonation program ng SSS, hanggang Sept. 6 na lang

Mahigit sa 70% delinquent employers ang hindi pa nakapag-avail ng Contribution Penalty Condonation Program ng Social Security System (SSS) ngayong taon.

Ayon kay SSS President and Chief Executive Officer Aurora Ignacio, dapat samanatalahin
ng mga employers ang oportunidad na ito upang makaiwas sa criminal liability gayundin ang makatulong sa mga employees na makakuha ng benepisyo.

Sinabi pa ni Ignacio na hanggang September 6 na lang ang condonation program ng SSS.

Nasa mahigit 100,000 delinquent employers pa ang hindi nag-avail ng programa.

Dahil sa programa, una nang nakakolekta ang SSS ng may P795.97 milyong unpaid premiums mula sa 31,774 employers .

Abot naman sa P307,578 empleyado ang ang nagbenepisyo dito.

Nagpaalala pa si Ignacio sa mga deliguent employers na posibleng makulong ng hanggang 12-taon at multa ng P20,000 kapag nabigo pa na bayaran ang kanilang obligasyon.