Davao Region, ikatlong araw na “No new COVID-case” at “No new death”

Muli na namang nakapagtala ng “no new confirmed COVID-19 case” at “no new death” ang Davao Region base sa pinakahuling update ng Department of Health kahapon ng hapon April 13, 2020.

Una nang nakapagtala ng “zero new COVID-case” at “no new death” noong April 10 ang Rehiyon Onse, samantalang nasundan ito noong April 12 at kahapon naman April 13.

Samantala, tumaas naman ang bilang ng mga pasyenteng naka-recover matapos madagdagan ito ng dalawa kahapon.  Sa ngayon, nasa 52 na ang bilang ng recoveries.

Nabuhayan din ng loob ang mga taga-Davao Region sa magandang paggalaw ng bilang ng mga apektado ng COVID-19 sa rehiyon at umaasang tuluyan nang makabalik sa normal ang sitwasyon.

Nakatakda namang makipag-usap si Davao City Mayor Inday Sara Duterte sa mga doktor kung ano ang maaaring gawin pagkatapos ng April 19 kung saan magtatapos na sa araw na ito ang ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine sa lungsod.