Davao Occidental, Occidental Mindoro, magkasunod na niyanig ng lindol kaninang madaling araw — PHIVOLCS

Bandang ala-1:45 kaninang madaling araw ng unang yanigin ng 4.5 magnitude earthquake ang Abra de Ilog sa Occidental Mindoro.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), natunton ang sentro ng lindol sa layong 18 kilometro sa kanlurang bahagi ng Abra de Ilog.

Tectonic ang pinagmulan nito na may lalim na 124 kilometro.

Naramdaman ang instrumental intensity sa lugar at intensity 1 sa Puerto Galera.

Pagkalipas ng isang oras, ang munisipalidad naman ng Jose Abad Santos sa Davao Occidental ang niyanig ng magnitude 4 earthquake.

Ayon sa PHIVOLCS, ang epicenter ng lindol ay may 18 kilometro ang layo sa Silangang bahagi ng Jose Abad Santos.

Tectonic pa rin ang dahilan ng paggalaw ng lupa at may lalim na 30 kilometro.

Naramdaman ang intensity 3 sa Alabel, Sarangani, intensity 2 sa General Santos City at naitala din ang intensity 1 sa Tupi, South Cotabato, Kiamba at Sarangani.

Wala namang ulat ang PHIVOLCS na may nasaktan o nangasira sa magkasunod na lindol