Davao Food Terminal Complex, bubuksan na sa Oktubre

Davao City — Itinakda nang mag-operate ang Davao Food Terminal Complex (DFTC) sa Oktubre 3, 2018.

Ayon kay Maritess Alaba ng Vegetable Industry Council of Southern Mindanao (VicsMin), sa pagsusumikap at pagtutulungan ng City Government of Davao at Department of Agriculture (DA), napatayo ang P70 milyong halaga na food terminal complex.

Sinabi pa nito na sa pamamagitan ng nasabing proyekto at tulong mula sa DA at lokal na pamahalaan, ang small-scale vegetable farmers ay mabibigyan ng oportunidad upang kumita at maibenta ang kanilang mga produkto.

Kahit umano fruit growers sa katabing mga probinsiya sa rehiyon ay mabibigyan ng opsyon na makabenta ng kanilang mga harvest.

Nilinaw naman ni Alaba na ang mga fruit at vegetable farmer ay maaaring magamit ang Davao Food Terminal sa Toril sa lungsod bilang hub para sa wholesale selling ng kanilang mga produktong angrikultura. | ulat ni Sheila Lisondra – DXRP Radyo Pilipinas Davao