Davao Del Norte, interesado sa panukalang free testing ng UP Mindanao

Nagpahayag ng suporta ang lalawigan ng Davao del Norte sa panukala ng University of the Philippines (UP) Mindanao para sa diagnostic lab for COVID-19 free testing.

Nakapaloob sa kalatas nina Davao Oriental Gov. Edwin Jubahib at Tagum City Mayor Allan Rellon, ang interes ng pagkakaroon ng mobile diagnostics laboratory for rapid medical and public health response para sa COVID-19 sa probinsya.

Ayon kay Philippine Genome Center-Mindanao Director Dr. Lyre Anni Murao, na isa ring professor sa virology sa UP Mindanao, tinatayang aabot sa ₱15 milyong ang halaga ng konstrukyon ng lab at bibilhing equipment, na popondohan ng pribadong grupo, habang ang ₱10.3 million operational cost kada buwan ay papasanin naman ng lokal na pamahalaan.

Paliwanag ni Murao, ang kanilang partners naman mula sa pribadong sektor ang magdidisenyo ng lab upang masigurong nakabatay ito sa biosafety standards.

Aabutin ng 7 hanggang 8 linggo ang pagtatayo ng buong laboratory, at kapag nasa full capacity inaasahang makakagawa ito ng 96 tests kada araw.

Nakikipag-ugnayan na ang UP Mindanso sa lokal na pamahalaan ng DavNor hinggil sa agarang pagtatayo ng laboratory sa Davao Regional Medical Center sa Tagum City,