Davao Del Norte, ikinatuwa ang pagtaas ng alokasyon ng bakuna vs COVID

Ikinatuwa ng Davao del Norte Provincial Health Office (PHO), ang pagtaas ng alokasyon ng bakuna sa probinsya mula sa sa Department of Health (DOH).

Sa isang pahayag, sinabi ni PHO Department Head at Hepe ng COVID-19 Task Force Incident Command Dr. Alfredo Lacerona, na ngayong linggo umabot na sa 17,000 doses na bakuna ang natanggap ng probinsya, kung saan agad itong ipinamahagi sa 11 nitong local government units (LGUs).

Ayon kay Lacerona, bukod sa Davao City, ang Davao del Norte ang may pinakamataas na alokasyon dahil sa mabilis nitong pagpapatupad sa vaccination roll-out.

Target ngayon ng probinsya na makapagbakuna ng hanggang 6,300 na indibidwal kada vaccination schedule, pero depende pa rin ito sa supply na ibibigay ng DOH.

Sa ngayon, nasa siyam na porsiyento sa target na 744,405 sa probinsya ang fully vaccinated, samantala may 17 porsiyento naman ang partially-vaccinated.