Davao City San Pedro Square, idineklarang maximum security zone

Itinuturing na ngayong maximum security-zone area ang San Pedro Square, kasunod ng deklarasyon ng Sangguniang Panlungsod, dahil dito idinaraos ang mga malalaking event sa siyudad.

Ayon kay Councilor Mabel Acosta, chairperson ng Committee on Security, ginawa ang deklarasyon kasunod ng rekomendasyon ng Task Force Davao (TFD) sa naganap na City Peace and Order Council (CPOC) meeting, kamakailan. Dahil dito umano matatagpuan ang malalaking establisyimento, gayundin ang Sangguniang Panlungsod building at ang San Pedro Church.

Sa inadopt na resolusyon, ang maximum security zone ay ang lugar na kontrolado ang access, limitado din sa mga awtorisadong personnel ang entry point, at nakamonitor sa lugar ang peace-keeping forces 24 oras buong linggo.