Davao City, nakatanggap ng 2 brand new fire trucks mula Jinjiang City, China

Pinangunahan ng pamahalaang Lunsod ng Davao ang turn over ng dalawang brand new fire trucks bilang donasyon ng sister city mula bansang China ang Jinjiang City.

Gagamitin ang dalawang fire trucks ng Davao Volunteer Fire Brigade, Inc. at ng Bureau of Fire Protection ng Barangay Calinan Station para sa kanilang operasyon.

Dinaluhan naman ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte ang turn over at blessing ng dalawang fire trucks.

Matatandaang nagkaroon ng paglagda ng Sisterhood Pact ang Davao City at Jinjiang City noong Nobyembre ng nakaraang taon.

(Photos courtesy of Davao City local government)