Davao City Mayor Sarah Duterte-Carpio, ayaw magsalita sa isyu ng pagpapatalsik kay House Speaker Pantaleon Alvarez

Tumanggi si Mayor Sarah Duterte Carpio na magbigay ng komento sa sinasabing maniobra nito sa planong pagpapatalsik kay Congressman Pantaleon Alvarez bilang House speaker .

Ang pagtanggi ng alkalde ay ginawa pagkatapos ang pormal na paglagda sa kasunduan para sa sister agreement sa pagitan ng Quezon City government at Davao City government.

Sinabi ni Mayor Sarah na masaya ito na tinanggap ng Quezon City ang renewal ng Sister-Cityhood Agreement.

Aniya, mataas ang kanilang pagtingin sa Quezon City dahil sa best practices na nakikita dito na makatutulong sa pagpapaganda pa ng kanilang serbisyo-publiko sa kanilang lungsod.

Bago dumalo sa launching ng Tapang at Malasakit Alliance, isang NGO sa Trinity University of Asia sa QC, namahagi muna ito ng school supplies at health kits sa may 500 kababaihang at 500 kabataan sa Brgy. Pinyahan sa lungsod.  | ulat ni Rey Ferrer