Davao City, magbibigay ng financial assistance sa mga probinsiya sa Davao Region na biktima ng kalamidad

Davao City – Nakatakdang magbigay ng financial assistance ang lokal na pamahalaan ng Davao sa mga probinsiya sa Davao Region, na biktima ng kalamidad lalo na sa Davao del Norte, Davao Oriental at Davao del Sur.

Ang nasabing financial assistance ay ipapamahagi sa mga binahang lugar sa Tagum City, Carmen, Asuncion, Kapalong, Braulio E. Dujali at Sto. Tomas sa Davao del Norte; Manay, Cateel, Tarragona, Bagangga, Boston at Caraga sa Davao Oriental; at sa Davao del Sur na nakaranas ngayon ng dry-spell.

Ayon kay Davao City Mayor Inday Sara Duterte, agad na ibibigay ang tulong pinansiyal sa mga munisipalidad kapag naaprubahan na ito ng konseho.

Sinabi ng alkalde, na ang bawat LGU ay itinakdang mabigyan ng P300,000 na maaaring gamitin sa mga evacuee o para sa rehabilitasyon.

May malaking pondo pa umano ang disaster quick response fund ng Davao, kaya maaaring makapagbigay ng tulong sa mga mas nangangailangan. | ulat ni Sheila Lisondra РRadyo Pilipinas Davao