Davao City Chamber of Commerce, ikinatuwa ang pagdami ng foreign participants sa Davao ICON

Ikinatuwa ng Davao City Chamber of Commerce and Industry (DCCII) ang pagsali ng maraming foreign business groups sa dalawang araw na Davao Investment Conference (Davao ICON) na sinimulan kahapon.

Ayon kay Davao Chamber President Arturo Milan, sa 600 na participants na sumali, higit kalahati nito ay mga foreign investor.

Sabi ni Milan, karamihan sa mga foreign business groups ay naghayag ng interes na mamuhunan hindi lang sa Davao City, kundi pati na rin sa ibang panig ng Mindanao.

Dagdag nito, ang Japanese packing company na Pack Well ay magsisimula na sa kanilang lokasyon sa Industrial Park sa Panabo City, Davao del Norte, kung saan target itong matapos sa 2021.

Pagkatapos ng conference, ang DCCII at ang local government ng Davao City ay gagawa ng kasunduan sa mga dumalong bansa gaya ng Japan, China, Netherlands, Sweden, France, Austria, Singapore, Mexico, Romania at iba pa. | ulat ni Armando Fenequito