Dating Senate President Enrile, personal na nagtungo sa Comelec upang palitan ang nilalaman ng COC

Personal na nagtungo sa Commission on Elections (COMELEC) si dating Senate President Juan Ponce Enrile, upang palitan ang nilalaman ng kanyang Certificate of Candidacy (COC).

Ayon kay Enrile, nasa rules ng COMELEC na kailagan ng personal appearance kung papalitan ang nilalaman ng COC, kaya naman nagtungo siya sa tanggapan ng personal, at upang mawala ang agam-agam ng ilan na hindi na niya matatapos ang termino niya sakaling siya ay mahalal.

Pinagmalaki ng 94 na taong gulang na dating senador, na kinailangan pa niyang kumuha ng medical clearance bago magsumite ng COC at ang kanyang blood pressure ay 120/60.

Dadag pa ni Enrile, nakaligtaan niya na miyembro siya ng Pwersa ng Masang Pilipino (PMP) na partido ni Mayor Erap Estrada, kaya kahapon independent ang nakaasaad sa kanyang COC. | ulat ni Janet Bayan