Dating Senate President Aquilino ‘Nene’ Pimentel Jr., kasalukuyang nasa ICU

Kinumpirma ni Senador Koko Pimentel na nasa Intensive Care Unit ang kanyang ama na si dating Senate President Aquilino ‘Nene’ Pimentel Jr.

Sa isang pahayag, sinabi ni Senador Koko na kasalukuyang nasa pagamutan ang kanyang ama at ginagawa na ng mga doktor at hospital staff ang kanilang makakaya upang mapabuti ang kalagayan ng dating senador.

Hindi naman na sinabi kung saang ospital nananatili ang batikang senador.

Sa ngayon ay humihiling ng panalangin ang pamilya Pimentel para sa tuluyang paggaling ni Senador Nene.

Nakiisa na rin sa panawagan ng panalangin ang Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP Laban) para sa kanilang Chairman Emeritus.