Dating Senador Sergio Osmeña, tatakbong muli sa pagka-senador

Muling tatakbo sa pagka-senador si three termer Sen. Sergio Osmeña, ngayong darating na 2019 elections.

Ngayong huling araw ng pag-file ng Certificate of Candidacy (COC) October 17, nagsumite ang dating senator ng kanyang COC.

Ayon kay Osmeña, maraming nanghihikayat sa kanyang tumakbong muli sa Senado kaya niya naisipan na muling bumalik.

Matatandaang nabigo si Osmeña noong 2016 elections kung saan ay nasa rankong ika-14 na puwesto.

Sasabayan niya si reelectionist Sen. Grace Poe sa kampanya, dahil pareho naman silang independent candidates. | ulat ni Janet Bayan