Dating Senador Enrile, ipinaubaya na sa Korte kung ibabalik siya sa kulungan o hindi

Walang plano si dating Sen. Juan Ponce Enrile na patulan ang governor ng Cagayan na humihiling sa Office of the Ombudsman na kanselahin ang kaniyang piyansa sa kinakaharap niyang P172.8-M plunder case.

Sa pulong balitaan sa Quezon City, sinabi ni Enrile na ipauubaya niya sa Korte kung ibalik siya sa kulungan o hindi.

Una nang sumulat kay Ombudsman Samuel Martires si Cagayan Governor Manuel Mamba, para sabihin na nilinlang lamang ni Enrile ang Korte Suprema kaya ipinagkaloob sa kaniya ang pansamantalang kalayaan.

Aniya, hindi siya magtataka kung sumulat si Mamba dahil matindi umano ang galit nito sa kaniya na nag-ugat sa mainit na politika sa Cagayan.  | ulat ni Rey Ferrer