Dating Presidential Spokesperson Harry Roque, nagpasalamat sa pangalawang buhay

Itinuturing ni Atty. Harry Roque na ginagamit na niya ang kaniyang ikalawang buhay. Ito ay makaraang ma-ospital nitong Lunes, na aniya ay senyales upang maghinay -hinay siya para maiwasan ang isang matinding atake sa puso.

Ayon kay Roque, matapos dumalo sa isang programa sa telebisyon noong Lunes ay dumiretso na siya sa ospital makaraang makaramdam ng paninikip ng dibdib.

Hindi na aniya siya pinauwi pa ng mga doctor at agad inabisuhang sumailalim sa medical procedure, dahilan kung bakit siya umatras sa 2019 senatorial race.

Ayon kay Roque, ito ang isa sa pinakamalungkot na desisyong kaniyang ginawa. | ulat ni Racquel Bayan