Dating piskal ng Ozamiz, patay sa ambush

Napatay ang isang retiradong piskal ng Ozamiz City sa isang shooting incident na naganap sa Brgy. 5Oth District, Ozamiz City, Misamis Occidental kaninang 10:30 ng umaga.

Kinilala ni Philippine National Police Region 10 Spokesperson Supt. Lemuel Gonda ang biktima na si Atty. Geronimo S. Marabe Jr.

Si Marabe ay binaril ng apat na lalaki habang nakasakay sa kanyang puting sasakyan.

Dinala ang biktima sa Faith Hospital sa naturang lungsod kung saan siya ay pronounced dead on arrival.

Hindi pa malaman sa ngayon ang motibo sa pamamaril pero ang biktima ay iniulat na isa sa mga abogado ng mga Parojinog.

Ang napaslang na si dating Ozamiz Mayor Reynaldo Parojinog at ilang mga miyembro ng kanyang pamilya ay kabilang sa listahan ng mga umano’y narco politicians ng pamahalaan. | via Leo Sarne