Dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Arroyo, nahirang bilang bagong board member ng Boao Forum Asia

Nahirang si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo bilang isa sa Labindalawang (12) bagong Board member ng Boao Forum for Asia.

Ang bagong set ng Boao Board member ay binubuo ng political at business leaders, na dito’y kasama ni CGMA si dating USA Secretary of Commerce Carlos Guiterrez, Vincent Lo Hong – Shui, Chairman ng Samsung electronics at iba pa.

Sa kabilang dako’y, naitalaga namang isa sa labing siyam (19) na Board of Directors si dating UN Secretary General Ban Ki-Moon, kasama ang ilang dating Prime Minister na sina Dame Jenny Shipley ng New Zealand at Romano Prodi ng Italy.

Batay sa resolusyong inilabas sa general meeting,  ang walong outgoing na miyembro ng nagdaang Council of Advisors ay bibigyang pagkilala bilang BFA honorary member.

Kabilang dito si dating Pangulong Fidel V. Ramos, na isa sa mga nagsagawa ng inisyatibo para magkaroon ng Boao Forum. | via Alvin Baltazar