Dating BOC Commissioner Faeldon, ipagpapasa-Diyos na lang ang kanyang kapalaran

Ipagpapasadiyos nalang ni dating Bureau of Customs (BOC) Commissioner Nicanor Faeldon ang kanyang kapalaran.

Ito ang sinabi ni Faeldon matapos makitaan ng Ombudsman na may probable cause para kasuhan siya, kaugnay ng 6.4 Billion shabu smuggling attempt sa Bureau of Customs noong kanyang panunungkulan sa ahensiya.

Ayon kay Faeldon, dismayado siya sa naging rekomendasyon ng Special Panel of Fact-Finding Investigators ng Office of the Ombudsman, na sampahan siya ng kasong graft at Grave Misconduct.

Giit ni Faeldon, ginawa lamang nila ang kanilang trabaho para mahuli ang mga smuggled na shabu sa loob ng tatlo at kalahating oras, pero sa halip aniya na bigyan sila ng parangal ay pinakakasuhan pa sila.

Nagpahayag naman ang opisyal, na naniniwala siya na huli ay lalabas rin ang katotohanan.

Si Faeldon ay ang kasalukuyang Deputy Administrator for Operations ng Office of Civil Defense. | via Leo Sarne