Dating Asec. Uson, nabigyan ng pwesto sa gobyerno

Muling itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pwesto si Margaux “Mocha” Uson.

Sa listahan ng presidential appointees na ibinaba ng Palasyo ngayong araw, si Uson ay itinalaga bilang Deputy Executive Director V (Deputy Administrator) sa ilalim ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

September 23, 2019 ang petsa ng appointment ni Uson, at September 26 naman nang i-release ito.

Matatandaan na si Uson ay dati na ring nanungkulan sa pamahalaan bilang assistant secretary ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ngunit nagbitiw sa pwesto noong Oktubre 2018, sa gitna ng mga batikos sa mga social media post nito noon na ayon sa mga mambabatas ay sumasalungat sa trabaho nito sa PCOO.