Dating Agriculture Sec. Proseso Alcala at 23 iba pa, kinasuhan na sa Sangdiganbayan dahil sa isyu ng cartel sa bawang

May nakitang basehan para kasuhan ng katiwalian ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan sina dating Agriculture Sec. Proseso Alcala at 23 iba ng dahil sa isyu sa cartel sa bawang.

Kabilang sa mga inirerekomendang sampahan ng kaso sina dating Bureau of Plant industry Dir. Clarito Barron at ilang dating BPI Division
Chiefs Merle Palacpac at Luben Marasigan at iba pang garlic traders.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng Ombudsman na mula 2010 hanggang 2014, nasa 8,810 import permits ang inisyu nila Alcala, Barron, Palacpac at Marasigan.

Nasa higit 5,000 import permists ay kontrolado ng importers at affiliates ng Vendors Association of the Philippines Inc o VIEVA na pinamumunuan ni Lilia Cruz na siya ring chairperson ng National Garlic Action Team, ang grupong tumatayong consultative body ng DA pagdating sa polisiya ng garlic production at supply program.

Natuklasan ng mga investigators ng Ombudsman na pinagtibay nina Alcala ang IPs kahit pa may umiiral na kautusan na nagpapasuspindi sa paglalabas ng import permits dahil sapat naman aniya ang lokal na production ng bawang.

Malinaw umano na may sistema para imonopolya ang suplay ng bawang dahil karamihan ng import permits ay naibigay sa VIEVA at ilang piling importers. | via Rey Ferrer