DAREA, inakusahan ang kalihim ng DAR na hindi mkatao ang pamamahala sa ahensiya

Umalma na ang Employees Union ng Deparment of Agrarian Reform sa pagtanggi ni DAR Secretary John Castriciones na aprubahan ang promotional appointments ng rank and file employees.

Ayon kay DAREA President Naneth Pascual, umapela na sila kay Castriciones na aprubahan ang pending promotional appointments ng rank and file employees na sumailalim na sa deliberasyon ng Selection and Promotion Boards.

Sa halip nais ni Castriciones na ulitin muli ang buong proseso ng deliberasyon na anila’y wala nang saysay, magastos at hindi na nakakabuti para sa ahensiya at mga empleyado.

Dapat daw kilalanin ito ni Castriciones dahil inabot ng 5 taon bago nakumpleto ang rationalization plan ng departamento.

At matagal na pahanon ding naghintay ang mga empleyado para kilalanin ang mahabang taon nila sa serbisyo na dapat lang na mapromote na.

Sa halip daw na pakinggan ang kanilang apela, panghaharass at panggigipit ang tugon sa kanila ng pamunuan ng DAR. | via Rey Ferrer