DAR OIC Secretary John Castriciones, umaasa na makalusot sa Commission on Appointments

Kasabay ng pagsalang sa makapangyarihang Commission on Appointments ngayong araw, tiwala si DAR Acting Secretary John Castriciones na hindi siya matutulad sa naging kapalaran ng mga miyembro ng gabinete ni President Rodrigo Duterte na ni-reject ng CA.

Sa panayam, sinabi ni Castriciones, naniniwala siya sa diwa ng kalooban ng Diyos.

Kung sakali aniya na makalusot siya ay maipagpapatuloy niya ang mga programa na napasimulan niya para sa kapakinabangan ng mga magsasaka.

Kabilang sa mga grupo na sumasalungat sa kumpirmasyon ni Castriciones ay ang Militanteng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas na kinabibilangan ni dating DAR Secretary Rafael Mariano.

Ayon sa KMP, hindi karapat-dapat si Castriciones sa posisyon dahil wala itong background sa tunay na isyung pang-agraryo.

Si Castriciones ay naging bise-presidente ng Duterte volunteers group sa panahon ng kampanya noong 2016 elections.

Siya ay nagtapos ng Philippine Military Academy at isa ring abogado. | via Rey Ferrer