DAR, nakipagpartner sa NNC para mabigyan ng masustansiyang pagkain ang mga buntis at mga sanggol


Makikipagtulungan ang Department of Agrarian Reform sa National Nutrition Council- National Capital Region sa pagsusuplay ng mga masustansyang pagkain para sa mga buntis at mga sanggol sa Metro Manila.

Partikular na tinukoy ng DAR ang mga lugar sa Caloocan, Navotas, ParaƱaque at Pateros.

Ayon kay DAR Undersecretary Emily Padilla, ang programa ng NNC ay ipinatupad sa ilalim ng programang Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty, kung saan nagtutulungan ang mga ahensya para suportahan ang mahihirap na pamilya.

Layon ng Tutok Kainan ay makatulong sa pag-iwas sa malnutrisyon ng mga bata na may edad mula 0-23 buwan .

May pitong kasunduan nang nilagdaan ang DAR kasama ang NNC at mga kooperatibang agraryo sa Albay, Camsur, Negros Occidental, Cebu, Bukidnon, at Siquijor para sa suplay ng pagkain.