DAR at PCIC, naglaan ng ₱1-B insurance para sa agrarian reform beneficiaries

Abot sa ₱1-bilyong pondo ang inilaan ng Department of Agrarian Reform (DAR) at Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) para sa insurance ng mga agrarian reform beneficiaries ngayong taon.

Ang programa na tinawag na Agrarian Reform beneficiaries-Agricultural Insurance Program (ARB-AIP), ay magseseguro sa mga pananim na masisira ng mga sakit, peste, at mga natural na kalamidad.

Alinsunod sa nilagdaang kasunduan nina DAR Secretary John Castriciones at PCIC President Jovy Bernabe, magiging epektibo ang programa hanggang December 2020, maliban kung palawigin pa o itigil na.

Ayon sa kahilim ang insurance program ay makakatulong ng malaki sa mga ARBs dahil ginagarantiyahan nito na makababawi sila sa pagkalugi sa perwisyo ng mga natural na kalamidad.

Saklaw ng pondo ang 500,000 ARBs na nakalista sa registry system nitong 2020.

Sinabi pa ni Castriciones saklaw din ng programa ang mga magsasaka at miyembro ng kanilang pamilya bastat kasama sa listahan sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA).