Dalawang pulis na iligal na nagpaputok ng baril, sinibak sa pwesto

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Deputy Spokesperson Supt. Vimelee Madrid, dinisarmahan na rin at tinanggalan ng tsapa ang dalawang pulis.

Sinibak na sa pwesto ang 2 pulis na naaresto dahil sa iligal na pagpapaputok ng baril.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Deputy Spokesperson Supt. Vimelee Madrid, dinisarmahan na rin at tinanggalan ng tsapa ang dalawang pulis.

Kinilala ni Madrid ang mga ito na sina PO1 Martin Jay Pagulayan, isang pulis Maynila at PO1 Arnold Gabriel Sabillo, isang pulis sa Rizal.

Iniulat ni Madrid na hanggang kahapon, 9 na ang inaresto ng PNP dahil sa illegal discharge of firearms, kabilang ang dalawang nabanggit na pulis.

Sinabi naman ni National Capital Region Chief Police Director Oscar Albayalde na oras na mapatunayang walang rason ang pagpapaputok ng baril ng mga dawit na pulis ay agad masisibak sa serbisyo ang mga ito. | via Leo Sarne