Dalawang Pinay, pasok sa 6th cycle ng Asia’s Next Top Model

Dalawang Pinay ang pasok sa 6th cycle ng Asia’s Next Top Model.

Ito ay si Adela Mae Marshall, 20 at Jach Maere, 21.

Inaasahang doble pressure ngayon ito para sa mga Pinay contenders lalo’t ang Pinay na si Maureen Wroblewitz ang itinanghal na panalo sa huling cycle ng naturang reality modeling competition.

Sa ibang balita, good news sa lahat ng K-Pop fans dahil magkakaroon ng back-to-back concert sa bansa ang dalawa sa mga paboritong Korean boybands ngayon.

Magtatanghal sa bansa sa darating na Nobyembre ang mga grupong Winner at iKON sa dalawang magkasunod na gabi ng November 10 at 11 sa parehong venue sa Pasay City.

Wala pa namang detalye kaugnay ng ticket sales na siyang inaabangan na rin ngayon ng fans.  | ulat ni Eunice Garcia-Langcauon

Photo courtesy: Asia’s Next Top Model