Dalawang bagong litrato ni Prince Louis, inilabas ng Buckingham Palace

Dalawang official photos ng bagong prinsipe ang inilabas ng Buckingham Palace.

Sa instagram account ng The Royal Family, ibinahagi nito ang litrato na kuha mismo ng Dutchess of Cambridge Kate Middleton sa new royal baby na si Prince Louis.

Ayon sa caption, kinunan ang litrato tatlong araw matapos itong isilang.

Sweet and loving din ang isa pang litrato kung saan kalong ni Princess Charlotte ang kapatid habang hinahalikan ito sa noo. Kuha naman ito noong May 2 na siya ring pangatlong kaarawan ni Princess Charlotte. | via Kathleen Forbes

Photo courtesy: https://bit.ly/2KEYgsD