Dalawa, iniulat na nasawi sa bagyong Dante

Umakyat na sa dalawa ang iniulat na nasawi dahil sa bagyong Dante sa Davao Region.

Batay ito sa impormasyong inilabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) bago mag alas-sais kagabi.

Isang taong gulang na bata ang nalibing ng buhay matapos matabunan ng gumuhong lupa ang kanilang bahay sa Maco, Davao de Oro.

Habang isang lalaking 71 taong gulang naman ang inanod ng flashflood sa Davao del Sur dulot ng walang patid na mga pag-ulan.

Nilinaw naman ni NDRRMC media liason Easha Mariano, na ang mga casualty report na kanilang natatanggap ay kasalukuyan pang sumailalim sa validation process.