Pagdagsa ng motorista patungo sa mga lalawigan, mararamdaman na sa Marso 28 — MPTC

Asahang dagsa na sa susunod na Miyerkules, Marso 28, ang mga manlalakbay na magsisiuwian para sa Semana Santa.

Sa isang forum sa Quezon City, sinabi ni Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) President and CEO Rodrigo Franco na  nasa 10 to 15% ang maidadagdag sa volume ng mga sasakyan na gagamit sa NLEX, SCTEX at CAVITEX.

Nasa  300,000 ang volume ng sasakyan na dumadaan sa mga toll plazas tuwing  normal na araw.  Kaya asahan na mas tataas pa ang dami ng mga sasakyan  sa susunod na linggo.

Hindi lang sa panahon ng Undas mapapakinabangan ng mga motorista ang programang Safe Trip Mo ng mga pangunahing Toll Exits.    Pinalawig pa ang programa para makatugon sa susunod na pinahabang bakasyon na kaugnay ng paggunita ng National heroes Day, Agosto 25-27, at Bonifacio Day, Nobyembre 30-Disyembre 2.  | via Rey Ferrer