Dagdag-pondo para sa NCMF, hiniling ng isang kongresita

Planong ihirit ni House Deputy Speaker Mujiv Hataman sa Department of Budget and Management (DBM) na madagdagan ang pondo ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) kasunod na rin ng bomb attack sa Indanan, Sulu.

Ani Hataman, ang dagdag pondo ay para sa mga programan ng NCMF na maaaring makapigil sa umiiral na karahasan sa ilang lugar na sakop ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sa pagtaya ng kongresista, mangangailangan aniya ng P338.3 million na alokasyon para sa mga programa ng NCMF.

Kabilang sa mga programang ito ang Project on Preventing and Countering Violent Extremism, Traditional Madrasah Development Program at Shari’ah Training.

Hindi naaprubahan ngayong 2019 budget ang ilan sa mga programa ng NCMF kaya nakikiusap ang kongresista na maipaloob ito sa pondo ng susunod na taon.