Dagdag-pasahe sa mga pampasaherong tricycle, inaprubahan na rin ng QC gov’t

Aprubado na rin ng Quezon City government ang isang city ordinance na nagpapahintulot para magkaroon ng fare increase sa lahat ng pasaherong tricycle sa Lungsod Quezon.

Ito ang nakapaloob sa ipinasang city ordinance na isinulong na nagbibigay pahintulot sa lahat ng mga tricycle operators at drivers na magkaroon ng fare adjustment sa kanilang pasahe mula P8 tungo sa P9.

Nakasaad sa ordinansa na magkakaroon ng karagdagang P1 additional charge sa bawat kilometro at P18 naman para sa mga special trips.

Obligado din ang mga tricycle operators na bigyan ng 20% discount sa pasahe ang lahat ng senior citizen, estudyante at person with disability (PWD).

Huling ipinatupad ng lokal na pamahalaan ang taas-pasahe sa tricycle noong 2016 na nagtatakda ng P8 fare rate sa lahat ng mga pasahero at karagdagang singil naman na P16 para sa mga special trips.  | ulat ni Rey Ferrer